Kung Alam Mo Lang
Sa bawat ngiti, may kuwentong dapat ipahayag, Pag-ibig na kay hirap bigkasin, ngunit kay tamis kung damahin. Sa likod ng mga mata, may mundong nagkukubli, mga pangarap at pagtingin, sa dilim ay nag-aalab. Sa mga sandaling magkasama, ang ulap ay bumaba, Tila ika’y na punong-puno ng ligaya. Iyong bawat hagikhik ay alon ng pag-asa, Siya ngang pag-ibig ay parang ulan, bumubuhos sa bawat daan. Mga mata’y nagtataglay ng mga lihim, Sa mga bituin ako’y patuloy na titingala, ibubulong na lang sa kanila ang tunay na damdamin na sana’y kung alam mo lang. -- gunitalingaw 2024