Lobo
Maihahalintulad pala sa tao ang lobo, Na siyang may kaakit-akit na kagandahan at karangyaan sa labas, Ngunit sa katotohanan, ang kaniyang kaluluwa ay puno lamang ng malamig na hangin, Tila’y isang paglalakbay sa karimlan na puno ng kahinaan at pangamba. “ Tao nga'y gaya ng lobo—nang-aakit sa kislap ng kulay at porma. Ngunit kapag sinipat sa kaibuturan, wala kundi hangin na malamig, tahimik, at walang direksiyon. Isang nilalang na tinali ng imaheng hindi niya kayang panindigan. ” -- gunitalingaw 2024