Pagmamahal sa Pagpapatawad

Mapanibughong damdamin, sa biyaya ng iba, dulot

Ay pait na masamang budhi ng inggit, 

Siyang nag-udyok sa mga kasinungalingan na ang 

Katotohanan ay pilit na sinusugatan. 


Sa bawat kilos at salita, agam-agam ay dama na para bang nilamon na ng

Dilim at ito’y sugat na patuloy na dumurugo,

Ngunit itataguyod ang sarili para sa katotohanan, 

Pag-asa’y mananaig, sa pagpapatawad na wagas at tunay. 


Luha’y naging daan patungo sa kapayapaan, 

Sa harap man ng hapdi at gitna ng galit, 

Pagpapatawad ang siyang naging liwanag at daan sa paghilom sa mga sugat ng nakaraan. 

Dahil ito ay hindi kahinaan kundi kalakasan. 


Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.”
Mga taga-Efeso 4:32


-- gunitalingaw 2024

Comments

Popular posts from this blog

Kung Alam Mo Lang

Magpatuloy Ka