Posts

Showing posts from December, 2024

Lason ang Pag-ibig sa Babaeng may Pangarap

  May babae—mata’y laging sa tuktok nakatitig, sa palad ay mga plano, sa dibdib ay paninindig; hindi siya nilikhang sa mundo’y magkubli, kundi magtagumpay, umangat, at sarili’y mapanagutan lagi. Pangarap niya’y hindi lamang bulong sa hangin, kundi apoy na sa gabi’y patuloy na nagniningning; tagumpay ang kaniyang dasal sa bawat pagod at puyat, kinabukasa’y hinahabi sa pawis at sa sikap. Ngunit dumating ang pag-ibig—tila alak na matamis, sa unang tikim ay ligaya, sa huli’y may pait na tiis; hinaplos ang kaniyang ambisyon ng mga salitang marikit, hanggang ang matatag na loob ay unti-unting nayanig. “Magpahinga ka muna,” wika mong may lambing, “Hindi mo kailangang laging sa taas tumingin.” Hanggang ang dating walang takot na hakbang, natutong bumagal, natutong magkulang. Lason ang pag-ibig kapag ito’y humihiling na isantabi ang bituin para sa yakap na salat sa ningning; kapag ang babae’y kailangang pumili sa pagitan ng pangarap at pag-ibig na sarili’y winawagi. Sapa...