Posts

Lason ang Pag-ibig sa Babaeng may Pangarap

  May babae—mata’y laging sa tuktok nakatitig, sa palad ay mga plano, sa dibdib ay paninindig; hindi siya nilikhang sa mundo’y magkubli, kundi magtagumpay, umangat, at sarili’y mapanagutan lagi. Pangarap niya’y hindi lamang bulong sa hangin, kundi apoy na sa gabi’y patuloy na nagniningning; tagumpay ang kaniyang dasal sa bawat pagod at puyat, kinabukasa’y hinahabi sa pawis at sa sikap. Ngunit dumating ang pag-ibig—tila alak na matamis, sa unang tikim ay ligaya, sa huli’y may pait na tiis; hinaplos ang kaniyang ambisyon ng mga salitang marikit, hanggang ang matatag na loob ay unti-unting nayanig. “Magpahinga ka muna,” wika mong may lambing, “Hindi mo kailangang laging sa taas tumingin.” Hanggang ang dating walang takot na hakbang, natutong bumagal, natutong magkulang. Lason ang pag-ibig kapag ito’y humihiling na isantabi ang bituin para sa yakap na salat sa ningning; kapag ang babae’y kailangang pumili sa pagitan ng pangarap at pag-ibig na sarili’y winawagi. Sapa...

Amnesia and Anesthesia

If only amnesia could quiet the ache, Erase all the pieces that tremble and break, I'd trade every memory, each shadow, and scar,  To sweep away moments I cannot understand.  Let anesthesia drift soft through my veins,  Numbing the places still haunted by my chains, To silence the voices, the rise and the fall,  To feel nothing at all.  But somewhere beneath, where the numbness can't reach,  The heart still remembers what words cannot teach,  For some things won't vanish, no matter how deep---  In dreams, they return from the silence I keep.  --gunitalingaw 2024

Pagmamahal sa Pagpapatawad

Mapanibughong damdamin, sa biyaya ng iba, dulot Ay pait na masamang budhi ng inggit,  Siyang nag-udyok sa mga kasinungalingan na ang  Katotohanan ay pilit na sinusugatan.  Sa bawat kilos at salita, agam-agam ay dama na para bang nilamon na ng Dilim at ito’y sugat na patuloy na dumurugo, Ngunit itataguyod ang sarili para sa katotohanan,  Pag-asa’y mananaig, sa pagpapatawad na wagas at tunay.  Luha’y naging daan patungo sa kapayapaan,  Sa harap man ng hapdi at gitna ng galit,  Pagpapatawad ang siyang naging liwanag at daan sa paghilom sa mga sugat ng nakaraan.  Dahil ito ay hindi kahinaan kundi kalakasan.  “ Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.” Mga taga-Efeso 4:32 -- gunitalingaw 2024

Lobo

                                            Maihahalintulad pala sa tao ang lobo,  Na siyang may kaakit-akit na kagandahan at karangyaan sa labas, Ngunit sa katotohanan, ang kaniyang kaluluwa ay puno lamang ng malamig na hangin,  Tila’y isang paglalakbay sa karimlan na puno ng kahinaan at pangamba. “ Tao nga'y gaya ng lobo—nang-aakit sa kislap ng kulay at porma. Ngunit kapag sinipat sa kaibuturan, wala kundi hangin na malamig, tahimik, at walang direksiyon. Isang nilalang na tinali ng imaheng hindi niya kayang panindigan. ” -- gunitalingaw 2024

Kung Alam Mo Lang

Sa bawat ngiti, may kuwentong dapat ipahayag,  Pag-ibig na kay hirap bigkasin, ngunit kay tamis kung damahin. Sa likod ng mga mata, may mundong nagkukubli, mga pangarap at pagtingin, sa dilim ay nag-aalab. Sa mga sandaling magkasama, ang ulap ay bumaba,  Tila ika’y na punong-puno ng ligaya.  Iyong bawat hagikhik ay alon ng pag-asa,  Siya ngang pag-ibig ay parang ulan, bumubuhos sa bawat daan.  Mga mata’y nagtataglay ng mga lihim,  Sa mga bituin ako’y patuloy na titingala, ibubulong na lang sa kanila ang tunay na damdamin na sana’y kung alam mo lang. -- gunitalingaw 2024

Magpatuloy Ka

Sa bawat pag-ikot ng orasan, mayroong bagong pagkakataon upang magpatuloy.  Patuloy na magtiwala sa himig ng panahon at manalig lamang sa prosesong banayad.  Patuloy na magtangka, patuloy na magtiwala.  “Ang mahalaga ay hindi ang bilis, kundi ang pagpapatuloy.” -- gunitalingaw 2023